Manila Bay beach, nais palawakin ng DENR

Naniniwala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang isinasagawang beach nourishment sa Manila Bay ay makatutulong para mapalawak ang lugar.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang beach nourishment ay ang pagdadagdag ng buhangin sa beach para maiwasan ang erosion at mapalapad ito.

Iginiit ni Cimatu na kailangang gawin ang beach nourishment sa Manila Bay lalo na hindi ikinokonsiderang prone sa coastal erosion ang lugar dahil protektado ito ng seawalls, pero makitid ang beach nito.


Ang ‘white sand’ ay nakakadagdag sa aesthetic value ng Manila Bay at mahahalintulad ito sa mga beach ng Boracay at Panglao.

Ang dolomite sand o ground sand na ginamit sa proyekto ay hindi mapanganib sa kalusugan ng tao.

Aniya, wala itong silt at clay particles, at makapal kumpara sa natural sand.

Nagagawa ng dolomite sand na i-neutralize ang acid sa marine waters.

Facebook Comments