Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagdagdag ng night shift sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.=
Ayon kay DPWH Bureau of Equipment Director Toribio Ilao, kailangan ng dagdag na manggagawa mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling-araw.
Aniya, tutukan ng mga du-duty sa gabi ang paglilipat ng mga nakolektang basura mula sa Manila Bay patungo sa landfill sa Navotas City.
Paglilinaw naman ni Ilao, kaunti lang ang itatalaga sa gabi kumpara sa regular na shift na nakatutok naman sa dredging work sa Manila Bay.
Mababati na noong buwan ng Enero sinimulan ang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Facebook Comments