Nagpapatuloy ang rehabilitasyon ngayon sa Manila Bay.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Jim Sampulna na sa ngayon pokus ng ahensya na maayos ang water quality sa Manila Bay kung saan kanilang isinasara ang mga outpost na naglalabas ng maruming tubig.
Ani Sampulna, naglagay rin sila ng pump para ang lahat ng tubig na dadaloy sa Manila Bay ay dumaan muna sa sewage treatment plant.
Maliban dito nagsasagawa rin sila ng malawakang saturation drive.
Tinututukan din ng DENR ay paglalatag ng dolomite sand na magtatapos ngayong Abril at ang pagbabaklas ng illegal fish pen.
Facebook Comments