Isang aktor, arestado dahil sa umano’y pananakit sa Tagaytay City

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Children ang aktor na si Kit Thompson.

Ito ay makaraang maaresto matapos na ireklamo ng kasintahan nito dahil umano sa pananakit.

Batay sa ulat ng Tagaytay City Police Office, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa paghingi ng saklolo ng nobya ni Kit na si Ana Jalandoni dahil sa bantang papatayin umano siya ng kaniyang nobyo.


Dito na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya kung saan naabutang nanghihina at hindi halos makahinga ang biktima nang ito’y kanilang sagipin sa isang hotel sa Brgy. Silang Crossing East.

Sa ngayon, nanatili pa sa Tagaytay si Kit at isinasailalim sa interogasyon.

Facebook Comments