Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na patuloy ang paglilinis sa Manila Bay at iba pang daluyan ng tubig.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, layunin nitong matiyak na hindi nababarahan ng basura ang mga ilog at estero na siyang nagdudulot ng pagbaha sa Kamaynilaan.
Mula nitong October 29, umabot na sa 51.88 kilometers ng mga pangunahing estero ang sumailalim sa cleanup activities.
Aabot sa 526,477.58 cubic meters ng basura at burak ang natanggal.
Regular din ang isinasagawang paglilinis sa mga creek na dumadaloy patungo sa river systems.
Ang mga ganitong aktibidad ay napababa ang lebel ng fecal coliform sa Manila Baywalk area mula sa 62,700 most probable number per 100 millimeter (mpn/100ml) noong January 2019 patungong 9,200 mpn/100ml) nitong September 2020.