Nanatiling nasa top priorities ngayong taon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang rehabilitation ng Manila Bay.
Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, kahit na may pandemya na kinaharap ang bansa, naisaayos nila ang water quality ng Manila Bay.
Katuwang ng DENR ang nasa 2,379 na estero rangers na nagsasagawa ng araw-araw na cleanup sa water bodies na dumadaloy sa Manila Bay at tumutulong sa pagkolekta ng 82 million cubic meters ng basura.
Plano ng DENR na bago matapos ang termino ng Duterte administration ay maaari nang gamitin ng publiko ang Manila Bay para sa water contact activities gaya ng swimming, boating at fishing.
Facebook Comments