Bureau of Immigration, nagdagdag ng on-site work capacity sa mga tanggapan nito sa Metro Manila

Itinaas na ng Bureau of Immigration (BI) sa 80% ang operational capacity nito sa kanilang mga tanggapan sa Metro Manila.

Sa gitna ito ng pagbaba sa Alert Level 2 sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lugar.

Bunga nito, ang magiging operasyon na ng BI offices sa NCR ay mula 7 am hanggang 5:30 pm.


Pinalawig din ng BI hanggang March 1 ang paghahain ng annual report ng mga dayuhan.

Muli namang nilinaw ng BI na ang fully vaccinated na mga kliyente ay hindi na kailangang kumuha ng slots sa pamamagitan ng online appointment system.

Facebook Comments