Manila, bumaba ng 10 pwesto sa 2020 Smart City Index

Bumaba pa ang pwesto ng Manila ngayong taon bilang “smart city” at humantong bilang ika-anim na ‘worst city’ sa buong mundo.

Batay sa 2020 Smart City Index na inilathala ng Institute for Management Development katuwang ang Singapore University for Technology and Design, mula sa 109 na siyudad sa buong mundo ay nasa ika-104 na pwesto ang Manila.

Sa ilalim ng Smart City Index, nira-ranggo ang mga siyudad batay sa economic at technological data, maging ang kalidad ng buhay ng mga residente.


Inaalam ang sitwasyon ng bawat lungsod sa key areas tulad ng health, safety, mobility, activities, opportunities at governance.

Nangungulelat ang Manila mula sa mga counterpart cities nito sa Asya tulad ng Singapore na nangunguna sa listahan, Taipei na nasa ikawalong pwesto, pang-32 ang Hong Kong, ika-47 ang Seoul, nasa ika-54 naman ang Kuala Lumpur, pang-71 ang Bangkok, 84 ang Hanoi at nasa 94 ang Jakarta.

Ilan sa mga key issues na pinaniniwalaan ng mga residente ng Manila na kailangang tugunan ay road congestion, corruption sa public administration, matataas na lebel ng air pollution, at mabagal na health services.

Satisfied naman ang Manila residents sa key areas tulad ng business, work at education opportunities, maging ang posibilidad na pag-aalok ng e-government services.

Noong nakaraan taon, pang-94 ang Manila mula sa 102 na siyudad o ika-siyam na “worst city” sa buong mundo.

Facebook Comments