Dumagsa sa may bahagi ng Manila Chinatown ang ilang mga indibidwal ngayong selebrasyon ng Chinese New Year.
Ilan sa kanila ay kaniya-kaniyang bili ng mga pampaswerte tulad ng bracelet, figurine, wind chimes, chinese lantern at iba pa.
Bentang-benta rin dito ang mga pagkain tulad ng tikoy at mga prutas.
Marami ring nagbebenta rito ng mga laruan, damit at mga gamit o display sa loob ng bahay.
Para masigurong masusunod ang health protocols kontra COVID-19, nagtutulong-tulong ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at lokal na pamahalaan ng Maynila na ipatupad ito kahit na may kahirapan.
Matatandaan na kahit bumaba sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR), hindi pa rin binago ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang desisyon nito hinggil sa pagkakansela ng mga aktibidad sa Chinese New Year.