Aminado ang City Disaster Risk Reduction and Management Office na hindi pa sila handa sakaling dumating nag tinatawag na The Big One.
Nakatanggap ng sermon mula kay Manila Mayor Isko Moreno ang mga opisyal ng CDRRMO at mga Hospital Chief dahil sa kakulangan ng konkretong plano sakaling mangyari ang Magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.
Ikinagalit din ni Moreno ang kakulangan ng Lungsod ng Resources at Kapabilidad para rumesponde sa mga sakuna.
Paliwanag ni Moreno na hindi sapat ang bilang ng mga hospital bed, power generators, at mga tauhan na tututok sakaling may mga masugatan at mamatay sa malakas na lindol o kalamidad.
Nagbanta pa ang alkalde na sisibakin n’ya ang mga miyembro ng CDRRMO kapag itinanggi nila na talagang hindi handa ang Maynila sa matinding kalamidad.
Hinamon din niya ang mga ito na ireklamo siya sa Civil Service Commission kapag sinibak sila.
Ipinunto pa ng alkalde sa mga miyembro ng konseho, na mabigat ang responsibilidad nila dahil buhay ng tao ang nakasalalay sa usapin ng kalamidad.