Manila City Government, magtatayo ng pabahay para sa mga Manileño

Ikinakasa na ng Manila City Government ang programang pabahay at gusaling komersyal.

Layunin nito na bigyan ng permanenteng tirahan ang mga informal settlers sa Parola, Vitas, Punta at iba pang lugar sa Maynila.

Sa pulong na ipinatawag ni Manila Mayor Isko Moreno ay magprisinta ang iba’t-ibang departamento ng kanilang mga plano para maisakatuparan ang Urban Resettlement Project.


Napag-usapan sa pulong na hangga’t maari ay may kakambal na mga commercial units o establishment ang itatayong pabahay para makatugon din sa mga pangangailangan ng mga kapuspalad na benepisaryo nito.

Facebook Comments