Manila City Government, naghanda na ng evacuation center sakaling may ilikas dahil sa bagyo

Inihanda na ng Manila City Government ang Rosauro Almario Elementary School sa Tondo bilang evacuation center.

Ito ay sakaling may ilikas na mga residente sa Maynila dahil sa Bagyong Pepito.

Sa naturang paaralan ay naglatag ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng limampung partition tents.


Ang kada isang tent ay akma para sa isang pamilya.

Sa impormasyong mula sa MDRRMO ay nanatili pa namang maayos ang sitwasyon sa Maynila at wala pang lugar ang lubog sa baha sa kabila ng maulang lagay ng panahon.

Facebook Comments