Malaki ang tiwala ng Manila City government na mapapababa pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Health Department Head Arnold Pangan, hindi kabilang ang Maynila sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na isinailalim ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 Alert Level 4.
Paliwanag ni Dr. Pangan, mabigat ang laban sa COVID-19 lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso at mayroon pa ring mga residente ng lungsod na tinatamaan ng naturang sakit.
Hinikayat ni Dr. Pangan ang mga residente na magpabakuna na at samantalahin ang pagkakataon.
Dagdag pa ni Dr. Pangan na maaari nang magpabakuna sa 45 na health centers, 4 na malls na bukas mula Lunes hanggang Biyernes hanggang alas-4:00 ng hapon para tanggapin ang magpapabakuna.