Manila, Philippines – Nilinaw ng Manila City Government na hindi partikular na ang Manila City ang tinutukoy na isa sa mga pinaka hindi ligtas na lungsod sa buong mundo.
Ito ang tugon ng pamahalaan ng Maynila sa lumabas na 2017 Safe Cities Index kung saan na pang 55 lang ang ranking ng Manila sa 60 major cities sa mundo na pinakaligtas.
Ayon kay Bambi Purisima, tagapagsalita ng Manila City Government ang buong Metro Manila o ang National Capital Region ang tinutukoy sa naturang Survey.
Sa posibleng 100 na score, 54-point-86 lang ang nakuha ng Manila.
Pinakamababa ang nakuha ng Manila pagdating digital security at vulnerability sa disasters.
Pero giit ng Manila City Government, kung pag-uusapan ang Digital Security, nariyan ang mga CCTV cameras na nakakalat sa buong lungsod para magmonitor sa anumang kaganapan.
Gayundin ang kanilang Disaster Risk Reduction Management Command Center sa city hall na laging alerto sa anumang sakuna.