Manila City Gov’t, naglaan ng ₱200 million para sa COVID-19 vaccines

Inanunsyo ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na hiniling na niya sa City Council na maglaan ng ₱200 million sa 2021 budget para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Naniniwala kasi si Moreno na malapit nang maging available ang bakuna laban sa COVID-19.

Sa harap ito ng pagtutulong-tulong ng maraming mga bansa sa pagtuklas ng bakuna kontra sa nasabing virus.


Tiniyak din ng alkalde na nakikipag-ugnayan na siya sa malalaking pharmaceutical companies na tumutulong sa research para sa bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments