Inilunsad ngayon ng Manila City Government ang “kadiwa” grocery outlet sa inner court ng city hall kung saan makapagbebenta ng kani kanilang mga produkto ang mga magsasaka mula sa ibat ibang panig ng bansa.
Nakatutok sa proyekto ang Manila City Government Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau katuwang ang Department of Agriculture o DA.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, plano nila itong gawing weekly o regular kung saan mabibili ng mas mababa ang mga produkto dahil direkta itong nagmumula sa mga magsasaka o producers.
Sabi ni Mayor Isko, maliban sa makakatipid ang mga mamimili ay siguradong sariwa at malinis din ang mga gulay, prutas at iba pang produkto dito.
Pagmamalaki ng alkalde, na malaking tulong ang nabanggit na kadiwa project sa mga mahihirap at sa mga magsasaka.