Manila City Jail, nagsagawa ng Oplan Greyhound

Manila, Philippines – Hinalughog ng mga tauhan ng Manila City ang Dormitory 13 at 14 upang suriin kung mayroong mga ipinagbabawal na droga at armas na nakatago sa bilangguan.

Ang Oplan Greyhound ay isinagawa matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na mayroong ipinupuslit na iligal na droga, armas, sigarilyo at alak ang naturang kulungan.

Ayon kay Jail Spokesman Sr. Inspector Jayrex Joseph Bustinera, nakakumpiska sila ng mga drug paraphernalia, bote ng alak, sigarilyo,baraha,pornographic materials, lagare, balisong at electrical wires.


Paliwanag ni Bustinera, mahigpit ang kanilang isinasagawang pag-iinspeksyon upang matiyak ligtas ang mga dumadalaw na mga mahal sa buhay ng mga preso.

Dagdag pa ni Bustinera, pinapayagan nila ang conjugal visit pero tinanggal na nila ang mga kubol para maiwasan ang inggitan ng mga inmates at iba pang mga dalaw.

Facebook Comments