PCO Secretary Martin Andanar, binati ang AFP sa pagkakapatay sa mga lider ng terorista sa Marawi City

Manila, Philippines – Tagumpay laban sa terorismo!

Ganito isinalarawan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pagkakapatay ng Armed Forces of the Philippines kay Isnilon Hapilon na tinaguriang Emir ng ISIS sa Southeast Asia at kay Omar Maute ang natitirang lider ng Maute Group.

Binati din ni Andanar ang matagumpay na operasyon ng AFP na nagresulta sa pagkakaptay sa mga lider ng terorista sa Marawi City at pagkaka-rescue sa iba pang bihag ng mga ito.


Ayon kay Andanar, ngayong napatay na ang mga lider ng terorista na umatake sa Marawi City ay umaasa ngayon ang gobyerno na makababangon na ang lungsod mula sa pagkakasadlak nito sa giyera.

Ipinagmalaki ni Andanar na isa itong malinaw na tagumpay ng Administrasyong Duterte sa paglaban sa terorismo at patunay sa pagpupursige nito na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ni Andanar na ipinapakita ni Pangulong Duterte ang kanyang pagnanais na bigyan ng maginhawang buhay ang sambayanang Pilipino.

Facebook Comments