Manila City LGU, pinaghahandaan na ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season

Kumuha ang Manila City Government ng bagong 26 na medical frontliners.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season.

Bukod dito, 104 na medical personnel ng Manila Health Department (MHD) ang na-promote gayundin ang 22 medical frontliners mula sa Sta. Ana Hospital at apat din ang na-promote mula sa City Personnel Office.


Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, layon nito na higit pang mapalakas ng lungsod ang kanilang kapabilidad sa paglaban sa COVID-19.

Samantala, magpapatuloy ngayong araw ng Lunes ang libreng mass swab testing sa lungsod.

Facebook Comments