Manila City, magiging mayaman na lungsod sa NCR sa 2022, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno

Ipinagmalaki ni Manila Mayor Isko Moreno na magiging mayaman na ang Lungsod ng Maynila sa mga susunod na taon.

Ito ay matapos ipag-utos ng Korte Suprema na magkakaroon ng mas malaking parte ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga buwis na nakokolekta ng gobyerno.

Ayon kay Moreno, tatlong taon mula ngayon ay magiging pinaka mayaman na ang Manila City sa buong Metro Manila.


Dahil dito, hinikayat ng alkalde ang mga negosyante na mag-invest sa nasabing Lungsod.

Pagmamalaki ni Moreno, magkakaroon ng P90 Bilyong pisong kita ang Maynila mula sa buwis na makokolekta sa mga pantalan.

Sa ngayon ay lungsod ng Makati ang nananatiling pinaka mayamang Lungsod na aabot sa P196.5 Bilyong pisong ang nakuhang revenue noong mga nakaraang taon.

Facebook Comments