Pinakamataas na bilang ng kaso ng HIV, naitala sa tatlong lungsod sa Bulacan

Naitala ang pinakamataas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) Infections sa buong bansa sa tatlong lungsod sa Bulacan.

Sinabi ni ron chie Santos, Head Nurse ng HIV unit ng Bulacan Medical Center, ito’y kinabibilangan ng Meycauayan, Malolos at San Jose Del Monte.

Sinasabing 257 cases ang naitala sa San Jose Del Monte, 123 sa Meycauayan at 115 naman sa Malolos.


Parehong 102 HIV cases naman ang na-monitor sa mga bayan ng Sta. Maria at Marilao.

Sa isinagawang LGBTQ+ Leadership Summit, sinabi din ni Santos na nasa 2,270 HIV cases ang naitala sa Bulacan simula noong 1984 hanggang ngayong taon.

Facebook Comments