Manila City Mayor Isko Moreno, tuluy-tuloy na sa pagrerekober sa COVID-19

Sa ikapitong araw na pananatili sa Sta. Ana Hospital, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ngayon ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Sa inilabas na Medical Bulletin ni Dra. Grace Padilla – Director ng Sta. Ana Hospital, nasa stable na ang kalusugan ni Mayor Isko at maayos na rin itong nakakain gayundin ang kaniyang vital signs.

Matatandaan na nitong Biyernes ay unang nawalan ng pang-amoy at panlasa si Mayor Isko pero nabawasan naman ang nararamdamang pananakit ng katawan habang hindi na rin siya uminom ng gamot na pain reliever.


Base pa sa medical bulletin ni Dra. Padilla, tuluy-tuloy na ang alkalde sa kaniyang pagre-recover sa COVID-19 kung saan tatapusin na lamang niya ang isolation protocols.

Sa kabila nito, tuloy pa rin si Mayor Isko sa kaniyang trabaho mula nang mag-positibo ito sa virus sa hospital habang una naman nang nakarekober at nakalabas ng nasabing hospital si Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan matapos na mahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments