Manila Department of Public Services, magsasagawa ng regular cleanup drive sa Manila Bay

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ay pagsasagawa ng Clean Up Drive sa Roxas Blvd. sa Manila Bay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte na buhayin ang Manila Bay.

Magsasagawa ng regular Clean Up Drive ang Manila Department of Public Service sa paligid ng Manila Bay kung pinapaalis nila ang mga vendor at mga natutulog sa lugar kasabay ng paghahakot ng sangkaterbang basura sa lugar.

Ayon sa Manila Department of Public Service regular na nila umanong ginagawa ang paglilinis sa kahabaan ng Roxas Blvd. at wala anilang katutuhanan ang paratng ng ilang mga kritiko na ginagawa lamang ni Estrada ang paglilinis dahil malapit na naman ang eleksyon.


Matatandaan na umani ng mga batikos ang ginagawang paglilinis ni Estrada sa mga Estero, Divisoria maging kahabaan ng Roxas Blvd papogi lamang umano ang ginagawa ng alkalde dahil anila nalalapit na ang halalan at nais umanong makahakot ng boto si Estrada kaya niya ginagawa umano ang paglilinis sa Manila Bay.

Facebook Comments