Manila Department of Social Welfare, naghahanda na sa pagdagsa ng mga namamasko ngayong pagsimula ng “BER” months

Nakikipagtulungan na ang Manila Department of Social Welfare sa mga barangay chairman sa lungsod para sa pagdagsa ng mga “namamasko” ngayong magsisimula na ang BER months.

Ayon kay Remedios Fugoso, ang director ng Manila DSW, inaasahan na nila ang pagdami ng mga “mamamasko” gaya ng mga katutubo at mahihirap na pamilya na galing pa sa mga probinsya.

Nagkataon naman na ang mga social worker ng Maynila ay nakasagip na ng higit sa 80 indibidwal na bahagi pa rin ng reach out operation ng Manila LGU.


Sinabi ni Fugoso na ang mga nasagip ay natutulog sa mga bangketa sa bahagi ng Malate, Roxas Blvd. service road, Remedios, Kalaw, Harrison Plaza, Manila Zoo, Quirino at iba pa.

Pero hindi lahat ay sumama sa social workers dahil ang iba, nakipagmatigasan o nagpumiglas pa habang ang iba ay nagtakbuhan.

Isinakay naman sa truck ng Department of Public Safety ang gamit ng mga nasagip at dinala sila sa Manila Reception and Action Center.

Facebook Comments