Manila Dept. of Social Welfare, humingi na ng tulong sa MMDA at MPD para pasunurin ang mga street dwellers sa lungsod

Manila, Philippines – Nagpasaklolo na ang Manila Department and Social Welfare sa Manila Police District at Metro Manila Development Authority dahil aminado sila na hindi nito kayang mag isa na pasunurin ang mga Street dwellers sa lungsod.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare Chief Nanet Tanyag bagamat madalas ang kanilang ginagawang Clearing Operations sa Lungsod para mapauwi sa kani-kanilang Probinsiya ang mga taong namamahay sa kalsada, ay sadyang marami sa mga ito ang matitigas talaga ang ulo.

Paliwanag ni Tanyag nais niyang na magtalaga ng mga tauhan sa Roxas Blvd. at iba pang pangunahing mga lansangan sa Lungsod upang tuluyang maitaboy ang mga nagkalat na Street dwellers at mga illegal vendors na nagtitinda sa kalsada na lubhang napakadelikado para sa kanila.


Giit ni Tanyag makakatulong din ang presensya ng mga law enforcement agencies hindi lang kontra sa illegal vendors at street dwellers kundi pati na rin sa nagbabalak na maghasik ng kaguluhan at mga kriminalidad sa lungsod.

Facebook Comments