Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, itinaas na sa yellow alert dahil sa bagyong Auring

Itinaas na ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (Manila DRRMO) sa yellow alert ang kanilang status bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Auring.

Kaugnay nito, nakahanda na ang rescue boats at iba pang kagamitan ng Manila DRRMO sakaling kailanganin ito.

Ayon kay Manila DRRMO Director Arnel Angeles, naka-standby na rin ang kanilang mga operation personnel para rumesponde kung kakailanganin ng tulong ng mga residente partikular ang mga nakatira sa binabahang lugar.


Dahil sa pagtataas sa yellow alert status, kanselado na ang day-off at leave ng lahat ng mga tauhan ng Manila DRRMO.

Kasabay nito, pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lahat ng residente at hinihimok na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga tahanan at tumutok sa iba pang anunsyo hinggil sa bagyong Auring.

Facebook Comments