Handa na ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na tumanggap ng mga fire volunteer at emergency medical service group.
Ito’y may kaugnayan sa pagbibigay ng serbisyo sa nalalapit na Pista ng Itim na Nazareno 2025.
Ang mga interesado ay maaaring magpadala ng sulat na naglalaman ng listahan ng inyong mga resource, plate number, at manpower.
Paraan ito upang maisaayos ng Manila DRRMO ang mga nagnanais na makibahagi at magtungo sa kanilang tanggapan.
Maaaring ipadala ang sulat sa official email na mdrrmo.rp@gmail.com kung saan ang deadline sa pagpapasa ay sa December 18, 2024 (Wednesday) hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Facebook Comments