Manila government, magsasagawa ng libreng swab test para sa mga nagtatrabaho sa sinehan

39
Photo Courtesy: Manila PIO

Magkakaloob ng libreng RT-PCR swab test ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga empleyado na nagtatrabaho sa sinehan sa lungsod.

Kasunod na rin ito ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease sa muling pagbubukas ng mga sinehan at iba pang establisimyento sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, basta’t papayagan ito ng mga local officials.


Obligadong sumailalim sa swab test ang janitors, security guards, tellers, ushers, porters, ticket tellers at snack bar attendants.

Pinatitiyak ng lokal na pamahalaan sa mga mall managers ang pagsunod sa health protocols.

Facebook Comments