Naglabas ng paalala ang Manila Health Department sa publiko hinggil sa ginagawa nila COVID-19 vaccination program.
Sa abiso ng Manila Health Department, wala muna silang gagawing pagbabakuna kontra COVID-19 ngayong araw.
Ito’y upang bigyan daan ang ikakasang inagurasyon ni Presidente-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum.
Muli naman ipagpapatuloy ang pagbabakuna bukas kung saan sa huling datos ng Manila Health Department, nasa 1,717,741 ang nabakunahan na ng second dose habang 583,943 sa kanila ang nakatanggap na ng booster shot at 36,629 ang naturukan ng second booster.
Maging ang pagbibigay ng booster shot para sa mga immunocompromised individuals na nasa edad 12-17 taong gulang ay ipagpapatuloy sa anim ma district hospitals.