Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Kabayan Party-list Representatives Ron Salo kaugnay sa isinusulong niyang panukala na ilipat ang sentro ng gobyerno mula sa Maynila patungong Davao City.
Sa interview ng RMN, sinabi ni Salo na layong niyang maalis ang Manila Imperialism.
Paliwanag ng mambabatas, layon din nitong ilapit ang mga taga-Mindanao sa gobyerno.
Sakaling makalusot ang nasabing panukala, itatayo sa Davao City ang National Government Center (NGC) kung saan, doon na ililipat ang mga mahahalagang tanggapan tulad Presidential at ang Vice Presidential Palace.
Gayundin ang iba pang mga gusali ng Senado, Kamara, Korte Suprema, mga Constitutional at National Office ng mga ahensya ng Pamahalaan, katulad sa Amerika at China na magkahiwalay ang political at financial capital.