MANILA – Inamin ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado na nadismaya si Pangulong Noynoy Aquino sa limang oras na blackout sa NAIA Terminal 3 noong Sabado.Sa kabila nito, nanindigan si Honrado na hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil lang sa blackout sa paliparan.Ipinaliwanag ni Honrado na isa lang sa sampung sets lang ng generator sets ang hindi gumana pero ito ang nagsusuplay sa mahalagang bahagi ng terminal.Aniya, hindi masasabing naparalisa ang buong terminal dahil nakalapag pa nga ang mga international flights.Kumpyansa naman si Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na maliit na lang ang tyansa na maganap ulit ang naturang blackout.Mahigit isang daang one-way flights ang nakansela habang mahigit 80 naman ang na-delayed dahil sa halos limang oras na blackout noong Sabado.
Manila International Airport Authority (Miaa) General Manager Angel Honrado, Nanindigang Hindi Magbibitiw Sa Pwesto Dahi
Facebook Comments