Manila LGU, handa sakaling tumaas mula ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na handang-handa ang lokal na pamahalaan kung sakali o muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Bagama’t inamin ng alkalde na may bahagyang pagtaas ng kaso ng mapanganib na sakit sa Maynila na kasalukuyang nasa 69, pinawi naman niya ang pangamba ng publiko at sinabing nananatili pa rin sa “low risk classification” ang Maynila kumpara sa mga karatig siyudad na nagdeklara na ng “moderate risk”.

Aniya, ang pagiging low risk ng Maynika ay resulta ng mabilis na rollout ng bakuna kung saam sinusuyod nila ang lahat ng lugar at barangay para mabigyan ng bakuna ang lahat ng residente.


Ayon kay Mayor Honey, kung ang bagong subvariant ng COVID-19 ay sumipa pataas sa Lungsod ng Maynila, preparado at handang-handa ang lokal na pamahalaan dito lalo na’t nariyan pa rin aniya ang mga gamot na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) tulad ng Mulnopiravir, Remdesivir, Baricitinib at Tocilizumab na mabisa laban sa virus na dulot ng nakahahawang sakit.

Maging ang lahat ng ospital sa buong lungsod ay handa rin sakaling tumaas muli ang bilang ng tinatamaan ng sakit.

Umapela naman si Mayor Honey sa mga senior citizens at mga immunocompromised na magpa-booster na upang madagdagan ang kanilang panlaban sa nakahahawang sakit gayundin ang panawagan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments