
Magiging limitado lamang sa PNP, AFP at lokal na pamahalaan ng Maynila ang paggamit ng drones sa gagawing Traslacion sa Nazareno 2026 sa darating na Enero.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, maaari namang kumonekta na lamang sa feed ng drone ng Manila DRRMO ang mga media.
Aniya, ang nasabing desisyon ay bilang pagsunod sa patakaran hinggil sa seguridad lalo na’t inaasahan na milyon ang deboto.
Nakiusap din ang Quiapo Church sa mga deboto na iwasan ang pagdadala ng matatalas na bagay.
Muli ring gagamit ng baggage scanner para sa mga papasok sa simbahan na padaraanin lamang sa mga kalye ng Carlos Palanca at Villalobos Street.
Nabatid na maagang naglatag ng patakaran ang Manila LGU upang masiguro na magiging payapa at maayos ang Nazareno 2026.
Facebook Comments









