Manila LGU, kumpiyansang mas maraming indibidwal ang magpapabakuna ngayong araw

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na mas marami pa nilang residente ang tutungo sa vaccination sites upang magpabakuna.

Ito’y matapos na dagdagan ang mga vaccination site at damihan na rin ang doses ng bakuna kontra COVID-19.

Nabatid na ikinakasa ngayong araw ang pagbabakuna sa 45 mga health center, 13 eskwelahan, anim na district hospitals at apat na malls.


Nasa higit 1,000 bakuna ang inilaan para sa mga tatanggap ng first at second dose para sa mga A1 hanggang A5 at mga kabataan kasabay na rin ng pagbibigay ng booster shots.

Sa Ospital ng Tondo ay marami na agad ang pumila habang kakaunti pa lamang sa Ramon Magsaysay High School gayundin sa Lucky Chinatown Mall.

Pero sa kabila nito, naghahanda pa rin ang tauhan ng Manila Health Department (MHD) sa posibleng pagtungo ng mga magpapabakuna bago o matapos ang tanghalian.

Facebook Comments