Manila LGU, malapit nang maabot ang target na populasyon na dapat mabakunahan ng first dose kontra COVID-19

Nasa higit 30,000 na lamang ang kinakailangan mabakunahan ng first dose kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Maynila, nasa 97.75% na o nasa 1,321,054 na ang bilang ng naturukan ng first dose.

Nabatid na nasa 1,351,487 ang dapat na mabakunahan na target na populasyon na kinabibilangan ng indibidwal na nasa 18-anyos pataas sa lungsod ng Maynila base sa Department of Health (DOH).


Nasa 82.62% naman o katumbas ng 1,116,612 ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Tuloy-tuloy naman ang COVID-19 vaccination program ng lokal na pamahalaan kung saan ikinakasa ang first dose na pagbabakuna sa 45 health center at apat na mall.

Habang ang second dose naman ay isinasagawa sa 18 eskwelahan, tatlong community sites at sa drive-thru vaccination sa Manila Grandstand.

Facebook Comments