Manila LGU, naghahanda na sa papalapit na Bagyong Goring

Nagsagawa ng pre-disaster risk assessment ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa nalalapit Bagyong Goring.

Pinangunahan ito ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) kasama si Mayor Honey Lacuna.

Nais kasi ng alkalde na malaman ang ginagawang paghahanda para sa nasabing bagyo.


Bagama’t walang direktang magiging epekto ang bagyo sa Lungsod ng Maynila, hangad ni Mayor Honey na malaman ang sitwasyom upang maging handa ang bawat isa.

Inatasan din ng alkalde ang research and planning division ng Lungsod ng Maynila na ianunsyo ang update na impormasyon at datos sa papalapit na bagyo para malaman ito ng publiko.

Inaabisuhan naman ang bawat isa na patuloy na maging handa at alerto sa mga posibleng epekto ng bagyo kung saan manatiling nakatutok sa mga official Facebook page ng Manila DRRMO at Manila Public Information Office (PIO) para sa mga weather advisories at iba pang impormasyon sa lagay ng panahon.

Facebook Comments