Hepe ng MPD Station-2, inalis sa pwesto ng NCRPO

Inalis sa pwesto si Police Lt. Col. Rosalino Ibay bilang station commander ng Manila Police District (MPD) Station-2.

Ito’y sa inilabas na kautusan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Kaugnay nito, pansamantalang mananatili si Ibay sa Regional Headquarters Support Unit ng NCRPO.


Nabatid na nagdesisyon si Nartatez na irelieves sa pwesto si Ibay matapos itong bigong dumalo ng mga command conference na ipinatawag ng NCRPO.

Napag-alaman na nagpa-alam si Ibay na mag-leave of absence sa trabaho ng isang buwan pero tatlong araw pa lamang ang nakakalipas ay bumalik na ito sa opisina ng walang abiso.

Ipinatawag din si Ibay sa isinagawang command conference kahapon kung saan lahat ng station commander sa Metro Manila ay dumalo maliban lamang sa kaniya kaya’t nagdesisyon si Nartatez na palitan ito sa pwesto.

Matatandaan na si Ibay ang naging pinino ng MPD Special Mayors Reaction Team (SMaRT) pero inalis din ito sa pwesto bago itinalaga sa Moriones Police Station.

Facebook Comments