Nagpaabot ng pakikiramay ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Sa inilabas na pahayag ng Manila LGU, nakikiisa sila sa buong bansa sa pagdadalamhati sa pagkawala ng ika-12 pangulo ng bansa.
Inalala nila si FVR bilang “centennial president” kung saan isa siya sa mga naging dahilan kung bakit unti-unting nakabalik o umangat ang ekonomiya ng Pilipinas.
Pinapasalamatan ng lokal na pamahalaan ng Maynila si dating Pangulong Ramos sa lahat ng mga nagawa nito at kanilang iginigiit na hindi dapat kalimutan ng lahat ang mga serbisyong nai-ambag nito sa ating bansa.
Matatandaan na pumanaw kahapon si Pangulong Ramos kung saan wala pang opisyal na pahayag kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.