Manila LGU, nagpasalamat sa mga pribadong kompanya na tumugon sa kanilang panawagan

Pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga pribadong kompanya na nag-ooperate sa kanilang lungsod matapos tumugon sa kanilang panawagan.

Ito’y tungkol sa kanilang mga estudyante na nais mag-part time job upang magkaroon ng pangtustos at makatapos sa kanilang pag-aaral.

Nabatid na unang nanawagan si Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mga pribadong kompanya na tanggapin sana sa trabaho ang mga estudyante sa kanilang lungsod partikular ang mga nasa kolehiyo bilang tulong na rin sa kabila ng hirap sa kalagayan ng buhay.


Iginiit ng Manila Local Government Unit (LGU) na malaking tulong ang pagtugon ng mga kompanyang ito kung saan ilan sa personal na pinasalamat ni Mayor Honey ay ang isang sikat na fastfood chain na tumanggap ng 172 na estudyante ng Maynila.

Bukod naman sa part-time job, nakakatanggap rin ng buwanang allowance ang mga estudyante sa kolehiyo, junior at senior high school mula pa ng simulan ito noong nakaraang administrasyon ni Mayor Isko Moreno.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang ikinakasang jobs fair ng PESO-Manila sa Park ‘N Ride building sa Arroceros, Maynila mula Lunes hanggang Biyernes sa buong buwan ng Hulyo para matulungan ang iba pang mahihirap na estudyante ma mabigyan ng parti-time na trabaho.

Facebook Comments