Malacañang, nagpaabot ng pagbati sa kampeonato ng Team Filipinas sa AFF women’s Championship

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagkapanalo ng team Filipinas sa AFF Women’s Championship 2022.

Sa maikling mensahe ng Pangulo sa kanyang Facebook page, nakasaad dito ang pagpupugay sa historical victory sa pambato sa women’s football, kalakip ang larawan ng mga manlalaro ng kopunan.

Maging ang Office of Press Secretary ay nagparating din ng mainit na pagbati sa ating mga atleta.


Ang mga ito anila ang nagpapakita ng husay at talento ng mga manlalarong Filipino.

Una rito, nakuha ng team Filipinas ang kampeonato matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand.

Facebook Comments