
Ipinag-utos ngayon ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagtitipid sa pamamagitan ng pagbawas sa kalahati ng konsumo sa petrolyo ng lungsod.
Ito’y sa gitna ng kaguluhan sa Middle East kung saan nilagdaan ng alkalde ang Executive Order No. 7 Series of 2026 na nag uutos sa pagbawas sa kalahati ng konsumo sa petrolyo ng lahat ng tanggapan ng Manila LGU.
Kabilang dito ang pagsasabay-sabay ng mga delivery, paggamit ng mas maikling ruta upang makatipid at ang pagbabawal sa non-essential travel.
Ipinasuspindi na rin maging ang mga lakbay-aral at pagbiyahe abroad ng ilang mga tauhan ng Manila City Hall.
Maliban sa mga ospital at iba pang healthcare facility, pinagtitipid rin sa paggamit ng kuryente ang mga tanggapan sa city hall.
Kabilang dito ang pag-swith off ng mga kuryente o ilaw pagsapit ng alas-5:00 ng hapon at pagdaraos ng meeting mula brgy, mga ospital gayundin sa iba pang tanggapan via online.
Ang lahat ng graduation activity ng mga pampublikong eskwelahan sa elementary at high school ay ipinasasagawa na rin lang sa loob ng mga paaralan
Exempted naman sa matinding pagtitipid ang mga operasyon sa emergency response kabilang na ang sa pulis, bumbero, ambulansiya at iba pang tutugon sa kalamidad at iba pang emergency.
Kasama rin sa exempted ang mga essential service kabilang ang pagkolekta ng basura at traffic management










