Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Kaugnay nito, nag-alay ng bulaklak ang Manila Local Government Unit (LGU) sa mismong bantayog ni Ninoy sa kanto ng Padre Burgos Avenue at Roxas Blvd.
Bukod sa lokal na pamahalaan ng Maynila, iba’t ibang grupo rin ang nagtungo dito upang mag-alay ng bulaklak at magbigay ng kanilang respeto kay Sen. Aquino.
Nagsagawa rin sila ng motorcade mula sa Baclaran Church patungong Sto. Domingo Church kung saan tumigil sila sa Padre Burgos Avenue para mag-alay ng bulaklak.
May mga grupo rin ng siklista mula Southern Metro Manila ang nagtungo sa bantayog ni Ninoy sa Maynila para makiisa sa paggunita ng kaniyang kamatayan.
Matapos dito, lahat ay didiretso sa Sto. Domingo Church para sa isang misa na inorganisa ng pamilya Aquino.
Bantay sarado naman ng Manila Police District (MPD) Station-5 ang paligid ng bantayog ng mag-asawang Aquino upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan.