Manila LGU, nanawagan sa mga residente ng koordinasyon sa ginagawang pagbabaklas ng mga campaign material

Nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga residente sa lungsod hinggil sa ginagawa nilang pagbabaklas ng mga campaign material.

Sa naging pahayag ni Mayor Isko Moreno, humihiling siya ng ng pang-unawa at koordinasyon dahil hangad lamang nila na maging malinis at maaliwalas na ang lahat ng sulok ng lungsod ng Maynila.

Sinabi pa ni Mayor Isko na sinisimulan na ng ilang departamento ng Manila Local Government Unit (LGU) ang pagbabaklas ng mga campaign material na nakakabit sa mga poste, puno at sa iba gayundin ang pagtatanggal ng mga poster na nakadikit sa mga pader kung saan maaaring tumulong ang lahat ng residente.


Aniya, ang mga pribadong residente sa lungsod ng Maynila na mahihirapan sa pagtanggal ng mga nakadikit o nakakabit na mga campaign material sa kanilang bahay o pribadong establisyomento ay maaaring makipag-ugnayan sa Manila City Hall para makapagpadala agad ng mga tauhan na magtatanggal nito ng walang bayad.

Ang ilan naman pribadong residente na kayang linisin ang mga campaign matetial ay hinihimok na itapon ng maayos o kaya ay isako saka hintayin ang truck ng basura para makolekta ito.

Muling inihayag ng alkalde na kinakailangan ng mag-move on ang bawat supporters ng mga kumandidato at muling linisin ang buong paligid ng Maynila.

Facebook Comments