Malaysia, tumatanggap pa rin ng mga dayuhang manggagawa sa harap ng pagsasara ng kanilang border

Kinumpirma ni Malaysia-POLO Labor Attache’ Johnson Cañete na tumatanggap pa rin ang Malaysia ng foreign workers kabilang na ang mga Pilipino.

Ayon kay Cañete, nagbibigay pa rin ng clearance ang Malaysian government para sa mga papasok na dayuhang manggagawa kahit na sarado ang ilang borders nito.

Aniya, mataas pa rin ang demand ngayon ng household service workers sa Malaysia kung saan ang mga Pilipino ang prayoridad nila.


Sumunod aniyang mataas ang demand sa Malaysia ay semi-skilled workers tulad ng mga manggagawa sa restaurant gayundin ang construction workers.

Samantala, kinumpirma ni Cañete na bukod sa Laos, wala ring kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa Myanmar.

Facebook Comments