Manila LGU, umaksyon na para tulungan ang may 200 na pamilyang nasunugan sa San Miguel Maynila

San Miguel, Manila – Nagpamahagi na ng tents ang pamahalaang pang-lungsod ng Maynila at nagsimula na ang kanilang feeding program sa may 250 na pamilya na nawalan ng matitirhan matapos mauwi sa abo ang 100 na bahay sa Sikat St Plaza San Miguel Maynila.

Ayon Municipal social Welfare Officer Nanette Tanyag, nagpakalat na sila ng mga personnel na mag iinterview sa mga direktang nasunugan na tatanggap ng kaukulang tulong.

Humingi na rin sila ng tulong kay Mayor Erap estrada para sa pamamahagi ng construction materials gayundin sa DSWD-NCR para naman sa mga kumot, damit at iba pang kagamitan.


Naka monitor din ang MSWD sa sandaling magkasakit ang mga may mahihinang katawan, mga bata at matatanda.

Magtutuloy tuloy aniya ang feeding program ng LGU hanggang makabalik sa normal ang buhay ng mga nasunugan residente.

sa ngayon ay nasa mga tents sa harap ng St. michael the ArchAngel Shrine ang mga nasunugang residente.

Facebook Comments