Sa unang araw sa trabaho bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila, personal na inikot ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang ilang opisina at tanggapan ng kanilang City Hall.
Ito’y para inspeksyunin ang bawat departamento at makita ng personal ang bawat empleyado.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit nag-iikot si Mayor Honey ay para masaksihan ang ginagawang pagsasa-ayos ng ibang opisina ng Manila City Hall at malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng ibang tanggapan ng kanilang lokal na pamahalaan.
Ilan sa mga naikutan ni Mayor Honey ay ang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), City General Services Office, Department of the Interior and Local Government (DILG) – Manila, Public Employment Services Office (PESO) – Manila, Manila Clock Tower Museum at ang mga branches ng Regional Trial Court.
Matatandaan na may ilang opisina at tanggapan sa Manila City Hall ang sumasailalim sa pagsasa-ayos upang mapaganda ito kasabay ng pagbibigay ng maayos na serbisyo sa bawat Manileño.