MARK LAMBINO MULING NANUMPA BILANG BISE-GOBERNADOR NG PANGASINAN

Muling nanumpa si Mark Lambino bilang Bise Gobernador sa lalawigan ng Pangasinan. Ginanap ang oath-taking ceremony sa Sangguniang Panlalawigan sa Capitol Building bayan ng Lingayen.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Vice Governor Lambino na handa na itong maglingkod at umaasa ito na ang mga bagong halal na Sanggunian Panlalawigan members ay kanyang makakatulong para sa progreso ng lalawigan.
Samantala, binigyang diin din nito sa bagong gobernador ng Pangasinan na makakaasa silang tutulong ang buong Sangguniang Panlalawigan members sa ilalim ng kanyang administrasyon. | ifmnews

Facebook Comments