Binisita ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang lungsod ng Taguig bilang bahagi ng kaniyang listening tour and dialogue activity.
Sa pakikipag-usap ni Mayor Isko sa mga residente ng Taguig, muli nitong iginiit na sakaling palarin sa 2022 national elections, kaniya pa ring ipagpapatuloy ang Build, Build, Build program ng kasalukuyang administrasyon.
Nais rin ng alkalde na ibaba ang singil sa tax sa langis at kuryente ng 50 percent upang hindi naman daw mahirapan ang mamamayan na sumasalo ng dagdag singil nito mula sa mga kumpanya.
Pinapurihan naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano si Mayor Isko dahil sa mga ginagawa nitong pamamalakad sa lungsod ng Maynila gayundin ang ginagawang hakbang nito sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa COVID-19.
Isa rin sa hinahangaan ni Cayetano kay Mayor Isko ay ang plano nitong ipagpatuloy ang War on Drugs ng administrasyon dahil mahalaga aniya na masugpo ang kriminalidad na kadalasan ay resulta ng iligal na droga.