Manila Mayor Isko Moreno, bukas sa pakiisa sa mga presidential aspirants para pag-usapan kung paano matutugunan ang problema sa bansa

Bukas si Manila Mayor Isko Moreno na makiisa sa iba pang presidential aspirants na sina Vice President Leni Robredo, Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao para pag-usapan kung paano matutugunan ang problema sa bansa.

Desisyon ito ni Moreno kasabay ng mga ispekulasyong join forces nina Davao City mayor Sara Duterte at dating Senator Bongbong Marcos.

Ayon kay Moreno, kung pagtutulungan para sa bansa ang adhikain ng pag-iisa ay pabor siya rito pero kung para lamang magwagi sa eleksiyon ay iba na itong usapan.


Pinalampas na rin ni Moreno ang ibinatong isyu kay Robredo kung saan sinabi niya na tumakbo lamang ito para kalabanin si Marcos.

Paliwanag ng alkalde, nakamove-on na siya sa isyu at hindi rin ninais na masaktan ang bise-presidente.

Facebook Comments