Manila Mayor Isko Moreno, hinamon ang Malacañang na dalhin sa korte ang kautusang hindi na obligadong pagsusuot ng face shield

Hinamon ni Manila Mayor Isko Moreno ang Malacañang na dalhin sa korte ang ipinatupad niyang kautusan sa pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Moreno, kung hindi natutuwa ang malakanyang sa kaniyang kautusan ay tanggap naman niya kung hihingi ang paliwanag ang Malacañang sa korte.

Pero giit ng alkalde, anuman ang magiging desisyon dito ay mananatili pa rin ang kaniyang kautusan na magpoprotekta sa interes ng kaniyang nasasakupan.


Kahapon, sinimulan nang ipatupad sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang non-mandatory o hindi obligadong pagsusuot ng face shield.

Alinsunod ito sa Executive Order 42 na nilagdaan ni Mayor Isko para ipatigil ang mandatoryong pagsusuot ng face shield maliban sa mga ospital.

Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, batid na ng mga mall at mga katulad na negosyo ang executive order.

Handa naman ang mga itong sumunod sa direktiba.

Facebook Comments